Nung ako ay high school student pa, pinangarap ko na mag karoon ng isang barkada. Yung tipong marami kami, masaya, nag tatawanan, at kasama ko din sa kalungkutan. Kaya nung ako ay nasa kolehiyo na, first day of school pa lang e, nagiging friendly na ako sa mga bago kong classmates. Pinaka una ko'ng nakilala si Nicole. Maganda, puti, may mataas na buhok, God-fearing at higit sa lahat, mabait. Unang araw pa lang ng pasukan ay parang antagal na naming magkakilala. Sumunod naman si Michael Kho, Mikho in short. Di ko inakala na napaka-palakaibigan pala nitong si Mikho, kaya't kasama namin siya pagkatapos ng aming klase. Pagkain ang hilig naming tatlo, kaya't pumupunta kami sa arcade para lang kumain ng tsitserya. Ang di ko makakalimutan na panahon nung kami ay magkasama tatlo ay nung kami ay nasa overpass ng aming paaralan. Sabi ni mikho ay kung ano ang pangatlong sasakyan nah dadaan, yun ang kanyang future car. Si mikho ang unang nag try ng ganung laro2. At ang kanyang future car ay isang van. Sumunod si Nicole, nakalatawa talaga kasi isang bisekleta sa kanya, tawa ako ng tawa tsaka kantsawan to da max! Ngunit nung time ko na, guess what? Ganun din saken! Isang pasang awang bisekleta. E talagang unexpected yun kaya matagal natigil yung tawanan. Lumalim ang gabi, at kami ay umuwi na.
Isang araw, kami ay nag karoon ng isang proyekto sa Filipino. Nagkaroon ng iba't-ibang grupo, at mas lalong nakilala ang aming mga klasmeyt. That time ko nakilala si Jameel, siya ay naging 'bespren' ko sa classroom, di ko naman inakala na gusto nya akong maging bespren . Di tumagal e naging close din kami dalawa sa isa't-isa. Siya ay isan Muslim, pero mabait naman siya at normal sa pag aaproach sa amin lahat. Di rin nag tagal ay naging magkaibigan din kami nina Chino tsaka ni Jerome, close na kaibigan ni Jameel sa aming silid-aralan, sapagkat kasama-sama namin sila tuwing kami ay manananghalian sa canteen. Si Chino naman ay isang jolling kaibigan, minsan ay nagbibiro, pero madalas din nag seseryuso. Si Jerome, ang salot ng barkada, joke lang.. hehe.. Mahangin toh, pero mabait, minsan lang din nag seseryuso, kung nag seseryuso man ay may halong biro nama sa dulo neto. Sa mga lumipas di'ng mga araw, ay nakaibigan namin si Deah, maputi, maliit, tsaka mahinhin. Sa sobrang hinhin nga ay masasabi mo talagang tamad siya, pero di naman talaga, mdeyo lang. Si Rigel, ayun! Ang naging founder ng grupo namin. Di masayadong sumasama sa amin, at mahilig sa basketball. Tall, dark and.. okay, kaw na mag judge sa sunod. Pero, haha, pwede na rin handsome. At si David, napaka walang kwenta ng mood swings ng kumag na toh! pero pag naging mabait naman e, sobrang in-mood talaga. Minsan masayahin, minsan napakakulit, pero minsan naman gustong makapag isa at minsan din di sumasama sa amin, lalo na nung nagka misunderstanding kaming lahat vs him. Pero we fixed it naman after enough space and time. whooops! may pahabol pa pala, the sabay-tama na si Mary Rose, we considered her as a member of our group, she's cool, singket, tska minsan ay jologs.
Ayun, wishes do come true talaga.. Just wait for the right time. And that will really come..
Second semester nah! Classmates pa rin kami. Kaya pray ko, we'll be friends until the end.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Grabe, kaka-tocuh basahin huhuhu
ReplyDelete