Thursday, October 29, 2009

Baliw na katotohanan, walang kwentang ideya, at ang tanong ng bored!

Wala nga ba'ng laman utak ko?
e ba't ako nakkapag sulat dito?
bakit nga ba ako gumagawa ng blog?
syempre, pampalipas oras lang talaga siguro.
Normal lang ba talaga pag maraming tinatanong tungkol sa buhay?
Akalain mo, andameng tanong sa isip ko ngayon, tulad ng
Importante nga ba ang illusion ng tao?
Bakit wala akong talento?
May talento nga ba ako, ngunit di ko lang napapansin?
Bakit daladalawa ang aking pag iisip?
I mean, bakit dalawa yung pace ng utak ko?
minsan, pag dapat meron akong pag dedesisiyonan,
may oo, may hinde.
May dapat gawin, may hinde dapat gawin,
may mature, may immature.
Normal lang keya ito?
Bakit maraming natatakot sa palaka?
sa ipis? sa Ahas? Mga hayop lang naman sila diba?
malamang, may natatakot sa ahas kasi nangangagat,
pero ung palaka at ipis?bakit nga ba talaga?
Tska bakit nakakatakot ang multo?
tao lang naman sila dati diba? nangangagat din ba sila?
Bakit lumilipad si superman?
Bakit malakas tumalon si spiderman?
Bakit may powers ang mga superhero?
Bakit andameng nag aidolize sa mga iyon, di naman sila totoo diba?
pano pumasok sa isipan ng tao na magiging prinsepe ang palaka? trippings lang ba iyon?
E pano kung gagayahin ng mga bata ang nangyari sa istoryang iyon?
Akalain mo, hinahalikan yung palaka? May bad side effect pla ang mga ito noh?
Bakit bawal sa mga bata ang mag mahal? diba ang lahat naman ng tao sa mundo ay may karapatang mag mahal?
Bakit pag may asawa na ay, bawal nang gumimik? I mean, pwede nang gumimik, pero bakit sa tingin ng iba ay di dapat, at nakakachuvarlou tingnan?
Bakit masakit manganak? Akalain mo, kahit alam nah na mag makikipag seks, e mabubuntis, bakit kahit wala pa'ng commitment, nakikipag seks na? Di nga ba sila takot sa diyos? Original sin yun diba? Kung takot mapunta sa impyerno, e bakit pa nila ginagawa ang mga iyon?
Sabi nila, curiousity kills a cat, totoo nga ba ito? diba sabi ng iba, pag curious daw e, naeexplore ang mga bagay2 at may matututunan. E bakit nakakamatay din? yun ba'ng pakikipag seks, ay parte pa din ng kuryusidad? buhay nga naman oh! napaka magulo. Pag patay, diba walang problema pag apak sa langit? e bakit may ayaw mauna? bakit may takot mamamatay?


Baliw na katotohonan. tsk!
May kwenta nga ba to'ng mga tanong ko?


makapag Facebook na nga! Plurk, Tska Twitter! haha

3 comments: