Thursday, October 29, 2009

Baliw na katotohanan, walang kwentang ideya, at ang tanong ng bored!

Wala nga ba'ng laman utak ko?
e ba't ako nakkapag sulat dito?
bakit nga ba ako gumagawa ng blog?
syempre, pampalipas oras lang talaga siguro.
Normal lang ba talaga pag maraming tinatanong tungkol sa buhay?
Akalain mo, andameng tanong sa isip ko ngayon, tulad ng
Importante nga ba ang illusion ng tao?
Bakit wala akong talento?
May talento nga ba ako, ngunit di ko lang napapansin?
Bakit daladalawa ang aking pag iisip?
I mean, bakit dalawa yung pace ng utak ko?
minsan, pag dapat meron akong pag dedesisiyonan,
may oo, may hinde.
May dapat gawin, may hinde dapat gawin,
may mature, may immature.
Normal lang keya ito?
Bakit maraming natatakot sa palaka?
sa ipis? sa Ahas? Mga hayop lang naman sila diba?
malamang, may natatakot sa ahas kasi nangangagat,
pero ung palaka at ipis?bakit nga ba talaga?
Tska bakit nakakatakot ang multo?
tao lang naman sila dati diba? nangangagat din ba sila?
Bakit lumilipad si superman?
Bakit malakas tumalon si spiderman?
Bakit may powers ang mga superhero?
Bakit andameng nag aidolize sa mga iyon, di naman sila totoo diba?
pano pumasok sa isipan ng tao na magiging prinsepe ang palaka? trippings lang ba iyon?
E pano kung gagayahin ng mga bata ang nangyari sa istoryang iyon?
Akalain mo, hinahalikan yung palaka? May bad side effect pla ang mga ito noh?
Bakit bawal sa mga bata ang mag mahal? diba ang lahat naman ng tao sa mundo ay may karapatang mag mahal?
Bakit pag may asawa na ay, bawal nang gumimik? I mean, pwede nang gumimik, pero bakit sa tingin ng iba ay di dapat, at nakakachuvarlou tingnan?
Bakit masakit manganak? Akalain mo, kahit alam nah na mag makikipag seks, e mabubuntis, bakit kahit wala pa'ng commitment, nakikipag seks na? Di nga ba sila takot sa diyos? Original sin yun diba? Kung takot mapunta sa impyerno, e bakit pa nila ginagawa ang mga iyon?
Sabi nila, curiousity kills a cat, totoo nga ba ito? diba sabi ng iba, pag curious daw e, naeexplore ang mga bagay2 at may matututunan. E bakit nakakamatay din? yun ba'ng pakikipag seks, ay parte pa din ng kuryusidad? buhay nga naman oh! napaka magulo. Pag patay, diba walang problema pag apak sa langit? e bakit may ayaw mauna? bakit may takot mamamatay?


Baliw na katotohonan. tsk!
May kwenta nga ba to'ng mga tanong ko?


makapag Facebook na nga! Plurk, Tska Twitter! haha

Blog ng bored

Ito lang naman ang walang kwentang Blog ng Bored. Sembreak na noh? Sorry to say this, but I REALLY HATE SEMBREAK! lalo na pag walang pera. whew! Miss ko na school, wenks! corny.. school nga ba? haha.. Syempre, yung mga tao din sa school noh.. Lalo na yung Classmate ko na sobrang sweet (u know hu u r). Churva! kaloka itetch! Haha.

Matutulog na ang bored. Good night sa lahat.
(Silipin nyo muna ang ilalim ng kama nyo, baka may tao sa ilalim! hala!)



Advance Spooky Halloweeen!


....zZzZzZz

here we go

Sa araw na ito, ay nalaman ko kung ano magiging attitude niya pag siya ay wala sa mood, bored, tsaka walang magawa. Tsk! Akalain mo, nawawala yu'ng sweetness niya, tska parang di nya aq girlpren! Hays.. First time ko to'ng sabihin: HINDI KO SIYA NAIINTINDIHAN! E panu, di nya sinasabi sa'ken kng ano problema niya, tska ung 'shoutout' pa nga nya sa facebook ay 'don't know to do nor what to think right now' ano keya yun? Cnu keya pinaparinggan nya? Lintek na buhay toh oh! Yan tuloy, nkakabahan na lola mo! Ano na keya reaksyon ng engot na toh bukas.. tsk!

npalabas ko lang! haha..
May I rest in SLEEP! zZzZzZz..

La'ng hiyang pag-ibig

Akalain mo?! andameng namumublema sa kanilang love life ngayon. E wala na naman silang mgagawa kundi mag move on. Yung iba naman, kahit na alam nilang niloloko na sila ng kanilang kinakasama, nag bubulagan pa. hay buhay, bakit nga ba ganyan?. May mga tao din na laging nag cocomplain kung bakit sila nasasaktan, e sana di nalang sila nag mahal! sa panahon naman ngayon, minsan nalang yung stick to one, di nanloloko, tsaka honest diba? kahit nga may asawa na, e feeling teenager lang. Di nila iniisip na may nasasaktan, lalo na ung mga anak nila. Pagmamahal nga naman, paikot ikot lang, minsan nasa ibabaw, minsan naman lagapak! Kaya dapat, walang expectations sa isa't isa. Habang bata pa e wag muna isipin ung future nyo, masisira lang yan. Tsaka never think na kng sino kasama mo, ay yan na talaga, mas masakit tlga ung ganun, kaya nga never expect!





un lang..

Barkada: Maotz

Nung ako ay high school student pa, pinangarap ko na mag karoon ng isang barkada. Yung tipong marami kami, masaya, nag tatawanan, at kasama ko din sa kalungkutan. Kaya nung ako ay nasa kolehiyo na, first day of school pa lang e, nagiging friendly na ako sa mga bago kong classmates. Pinaka una ko'ng nakilala si Nicole. Maganda, puti, may mataas na buhok, God-fearing at higit sa lahat, mabait. Unang araw pa lang ng pasukan ay parang antagal na naming magkakilala. Sumunod naman si Michael Kho, Mikho in short. Di ko inakala na napaka-palakaibigan pala nitong si Mikho, kaya't kasama namin siya pagkatapos ng aming klase. Pagkain ang hilig naming tatlo, kaya't pumupunta kami sa arcade para lang kumain ng tsitserya. Ang di ko makakalimutan na panahon nung kami ay magkasama tatlo ay nung kami ay nasa overpass ng aming paaralan. Sabi ni mikho ay kung ano ang pangatlong sasakyan nah dadaan, yun ang kanyang future car. Si mikho ang unang nag try ng ganung laro2. At ang kanyang future car ay isang van. Sumunod si Nicole, nakalatawa talaga kasi isang bisekleta sa kanya, tawa ako ng tawa tsaka kantsawan to da max! Ngunit nung time ko na, guess what? Ganun din saken! Isang pasang awang bisekleta. E talagang unexpected yun kaya matagal natigil yung tawanan. Lumalim ang gabi, at kami ay umuwi na.

Isang araw, kami ay nag karoon ng isang proyekto sa Filipino. Nagkaroon ng iba't-ibang grupo, at mas lalong nakilala ang aming mga klasmeyt. That time ko nakilala si Jameel, siya ay naging 'bespren' ko sa classroom, di ko naman inakala na gusto nya akong maging bespren . Di tumagal e naging close din kami dalawa sa isa't-isa. Siya ay isan Muslim, pero mabait naman siya at normal sa pag aaproach sa amin lahat. Di rin nag tagal ay naging magkaibigan din kami nina Chino tsaka ni Jerome, close na kaibigan ni Jameel sa aming silid-aralan, sapagkat kasama-sama namin sila tuwing kami ay manananghalian sa canteen. Si Chino naman ay isang jolling kaibigan, minsan ay nagbibiro, pero madalas din nag seseryuso. Si Jerome, ang salot ng barkada, joke lang.. hehe.. Mahangin toh, pero mabait, minsan lang din nag seseryuso, kung nag seseryuso man ay may halong biro nama sa dulo neto. Sa mga lumipas di'ng mga araw, ay nakaibigan namin si Deah, maputi, maliit, tsaka mahinhin. Sa sobrang hinhin nga ay masasabi mo talagang tamad siya, pero di naman talaga, mdeyo lang. Si Rigel, ayun! Ang naging founder ng grupo namin. Di masayadong sumasama sa amin, at mahilig sa basketball. Tall, dark and.. okay, kaw na mag judge sa sunod. Pero, haha, pwede na rin handsome. At si David, napaka walang kwenta ng mood swings ng kumag na toh! pero pag naging mabait naman e, sobrang in-mood talaga. Minsan masayahin, minsan napakakulit, pero minsan naman gustong makapag isa at minsan din di sumasama sa amin, lalo na nung nagka misunderstanding kaming lahat vs him. Pero we fixed it naman after enough space and time. whooops! may pahabol pa pala, the sabay-tama na si Mary Rose, we considered her as a member of our group, she's cool, singket, tska minsan ay jologs.

Ayun, wishes do come true talaga.. Just wait for the right time. And that will really come..

Second semester nah! Classmates pa rin kami. Kaya pray ko, we'll be friends until the end.